Ang Limangdaan ni Mama
by John Gabriel Rivera | Nuestra Señora de Aranzazu Parochial School
Film Recognition Award
3:05 | Narrative - Drama
Logline: Sa isang araw na puno ng desisyong tila maliit, isang limangdaan ang naging halaga ng paglimot—at ng isang inang hindi na mababalikan.
Synopsis: Isang limangdaang piso. Isang batang lumisan. Isang inang naiwan. Sa isang araw ng karaniwang paggasta, isang maliit na pagkukulang ang naging ugat ng malalim na kawalan. Ang Limangdaan ni Mama ay isang tahimik ngunit matalim na paglalakbay ng kapabayaan at pagsisisi—isang paalala na ang bawat sentimo ay may kaakibat na bigat, at ang bawat desisyong tila simpleng gawain ay maaaring magdulot ng hindi na maibabalik na pagkawala.





John Gabriel Rivera
"Ang pelikula ay anyo ng pagmamahal; ang pagmamahal ay pakikibaka; at ang pakikibaka ay landas tungo sa paglaya." Sa paninindigang ito umiikot ang sining ni John Gabriel Rivera—isang direktor ng hinaharap na ginagamit ang pelikula bilang tinig ng mga kuwentong tinatabunan at tinatanggihan. Sa simpleng kagamitan at masidhing damdamin, binubuo niya ang mga kuwentong hindi lamang para panoorin, kundi para damhin, pag-isipan, at pagnilayan. Para kay Gabriel, ang pelikula ay hindi lamang aliwan—ito ay panawagan, tula, at pag-ibig para sa pagbabago; mula sa sarili, tungo sa bayan.
Cast: Aleli Inocencio Director, Producer, Writer: John Gabriel Rivera
For general inquiries:
pov@upcinema.org
For submissions and festival-related concerns:
sec@pov.upcinema.org
For sponsorships, partnerships, or collaborations:
marketing@pov.upcinema.org